-- ADVERTISEMENT --

Umakyat sa 13 ang bilang ng mga nasawi matapos ang panibagong airstrikes ng Israel sa Lebanon, ayon sa Lebanese health ministry.

Kabilang sa mga biktima ang apat na kababaihan at isang bata. Sa bayan ng Haboush sa Nabatieh district, walong katao ang nasawi—kabilang ang dalawang babae at isang bata. Samantala, apat pa ang namatay sa Zrarieh sa Sidon district.

Patuloy ang tensyon at bakbakan sa pagitan ng Hezbollah at Israel, kahit pa may umiiral na ceasefire na pinalawig sa loob ng tatlong linggo.

Ang orihinal na 10-araw na tigil-putukan ay inanunsyo noong Abril 16 matapos ang pag-uusap ng mga kinatawan ng Lebanon at Israel sa Washington, D.C., ngunit nananatiling marupok ang kasunduan habang nagpapatuloy ang karahasan sa rehiyon.