-- ADVERTISEMENT --

Humingi ng patawad ang Ilongga vlogger na si Inday Tilapia matapos mag-viral ang kanyang video kung saan makikita siyang nagpo-promote ng lechon habang nakasuot ng hijab.

Sa isang public apology video, makikita siyang emosyonal habang humihingi ng dispensa at iginiit na hindi niya sinasadya ang kontrobersya.

Nangako rin siya na hindi na uulitin ang anumang hakbang na maaaring makainsulto sa pananampalataya ng iba.

Gayunman, kinondena ng Muslim Council of Elders (MCE) sa South Cotabato ang ginawa ng vlogger at itinuturing itong malinaw na paglapastangan at pang-iinsulto sa relihiyong Islam. Pinatawag siya ng konseho at binigyan hanggang Huwebes upang ipaliwanag ang kanyang panig.

Babala ng MCE, kung hindi siya haharap, agad silang magsasampa ng kaso laban sa kanya.