Positibong nasabat ang nasa Php34,000 na halaga ng illegal na droga at baril matapos isilbi ng kapulisan ang search warrant sa tahanan ng isang High Value Individual sa Barangay Nuangan, Kidapawan City, Cotabato nito lamang Pebrero 6, 2025.
Ayon sa ulat ng Kidapawan City Police Station, dakong 12:57 ng madaling araw nang isinilbi ang search warrant sa tirahan ng target ng operasyon na si alyas “Ian”, 30-anyos, may asawa at residente ng nasabing lugar.
Nasamsam mula sa pag-iingat ng suspek ang illegal na droga na 5 gramo ang bigat na may halagang Php34,000, at isang yunit ng Cal. 45 na baril na may kasamang dalawang magazine, apat na bala at dalawang basyu ng bala.
Dahil rito, mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.