Hiniling ng kampo ni Vice President Sara Duterte sa National Bureau of Investigation (NBI) ang kopya ng sinumpaang salaysay at mga supporting documents na isinumite umano ng dating pulis na si Rodulfo Gracioso Jr. kaugnay ng mga alegasyon laban sa pamilya Duterte.
Sa liham ng abogado ni Duterte, sinabi nilang walang kalakip na kopya ng affidavit ni Gracioso sa imbitasyong ipinadala ng NBI.
Ayon sa kampo ng bise presidente, kailangan muna nilang masuri ang affidavit at mga dokumento upang makapaghanda ng kaukulang tugon sa mga alegasyon.
Nakatakda sanang dumalo si Duterte sa NBI conference sa Oktubre 5, ngunit hiniling ng kaniyang kampo na ilipat ito sa Oktubre 8 upang magkaroon sila ng sapat na oras na pag-aralan ang mga dokumentong hinihingi.
Ang mga alegasyon ni Gracioso ay may kaugnayan umano sa paghahatid ng malaking halaga ng pera sa pamilya Duterte.













