-- ADVERTISEMENT --

Nakumpiska sa isang High Value Individual ang mga pakete ng pinaghihinalaang shabu sa ikinasang search warrant operation ng PNP sa Purok San Vicente Silway, Barangay Dadiangas West, General Santos City kahapon ng umaga Agosto 5, 2024.

Kinilala ni PCOL Nicomedes Olaivar Jr., City Director, ng General Santos City Police Office ang nahuling indibiwal na si alyas “Dondon”, 42 anyos, may asawa na residente ng naturang lugar.

Ayon kay PCol Olaivar Jr., naging matagumpay ang search warrant operation sa pinagsanib pwersa ng General Santos City Police Office-Police Station 1, City Police Drug Enforcement Unit-GSCPO, City Intelligence Unit at CMFC GSCPO.

Nasamsam mula sa suspek ang onseng (11) pakete transparent plastic sachet ng pinaghihinalaang shabu na may timbang na 16 gramo at nagkakahalaga ng Php108,800.

Mahaharap sa kasong paglabang sa sekyon 11 ng RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” at kasalukuyang nasa stasyon para sa tamang disposisyon.

Samantala, patuloy ang buong hanay ng PNP sa kampanya laban sa ilegal na droga upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan ng ating bansa.