-- ADVERTISEMENT --

Kumpirmado na ang 11-man lineup ng Gilas Pilipinas para sa men’s basketball event ng 2026 Asian Games sa Japan, kung saan target ng koponan na maidepensa ang gintong medalya ng Pilipinas.

Kabilang sa lineup sina RJ Abarrientos, Robert Bolick, Sedrick Barefield, Jerrick Ahanmisi, Adrian Nocum, Justin Arana, Justine Baltazar, Brandon Bates, Brandon Ganuelas-Rosser, Zav Lucero at Don Trollano.

Nananatiling bakante ang ika-12 puwesto para kay naturalized player Justin Brownlee, na nagpapagaling pa sa injury at hinihintay ang clearance mula sa kaniyang mga doktor.

Ayon kay head coach Tim Cone, mas mabilis at agresibong sistema ang ipatutupad dahil sa mas maliit na lineup. Gayunman, handa ang Gilas na sumabak kahit 11-man roster lamang kung hindi makakalaro si Brownlee.

Magsisimula ang kampanya ng Pilipinas kontra Bahrain sa Setyembre 11, susundan ng Kazakhstan sa Setyembre 12 at China sa Setyembre 14.