-- ADVERTISEMENT --

KORONADAL CITY – Balik-kulungan ngayon ang isang residente ng Banga, South Cotabato matapos mahuli ng mga otoridad sa isang anti-drug operation sa Purok Reyes, Barangay Morales, Koronadal City.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Peter Pinalgan Jr., hepe ng Koronadal City Police Station, ang suspek na si Alyas Reynaldo, 44-anyos, binata, at residente ng Rizal Poblacion sa bayan ng Banga.

Nahuli ang suspek bandang alas-singko tres ng hapon ngayong Lunes, April 13,2026.

Ayon kay Kagawad Hans Avance, hindi ito ang unang pagkakataon na nasangkot ang suspek sa ilegal na droga dahil ito na ang pangalawang pagkakataon na naitala ang kanyang pangalan sa drug-related cases.

Ang nasabing operasyon ay pinangunahan ng mga tauhan ng Koronadal PNP.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad si Yanson at inihahanda na ang kaukulang kaso para sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.