-- ADVERTISEMENT --

Patuloy na tumitindi ang epekto ng mga drone attack sa loob ng Russia matapos umabot sa walong katao ang nasawi sa isang pag-atake na iniulat na isinagawa ng Ukraine sa western Russia.

Ayon kay Tambov Governor Evgeny Pervyshov, tinamaan ng drone ang isang warehouse sa lungsod ng Kotovsk, na nagresulta rin sa pagkasugat ng maraming sibilyan.

Sa kabila ng insidente, sinabi ng mga awtoridad ng Russia na naharang ng kanilang air defense systems ang 28 iba pang drones na umano’y inilunsad ng Ukraine.

Samantala, nananatili sa pagpapagaling ang hindi bababa sa 25 katao na nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa lawak ng pinsalang dulot ng pag-atake.