Pinapahusay ng Department of Agriculture (DA) ang mga programa nito upang mabawasan ang epekto ng El Niño sa mga magsasaka, suplay ng pagkain at presyo ng mga pangunahing bilihin.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., kailangang gamitin ang mga aral mula sa nakaraang El Niño upang mas mapaghandaan ang posibleng matinding tag-init.
Kabilang sa mga hakbang ang pagpapalawak ng irrigation systems, pagbabago sa iskedyul ng pagtatanim, pamamahagi ng drought-resistant seeds at mas mahigpit na monitoring sa suplay ng pagkain.
Isinusulong din ang solar-powered irrigation at cloud seeding para makatulong sa suplay ng tubig sa mga sakahan, habang maglalaan ang DA ng crop insurance at financial assistance para sa mga magsasakang posibleng maapektuhan.













