-- ADVERTISEMENT --

Balik operasyon na ang commercial flights sa General Santos Airport ngayong Lunes, Hunyo 15, matapos ang pansamantalang pagsuspinde dulot ng malakas na magnitude 7.8 na lindol na tumama sa rehiyon.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), natapos na ang safety assessment ng DOTr at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), at napatunayang ligtas nang ipagpatuloy ang operasyon ng paliparan. Ibig sabihin, maaari nang bumalik ang normal na flight schedule upang hindi maantala ang biyahe ng mga pasahero.

Sinabi ni Transportation Secretary Giovanni “Banoy” Lopez na nakipag-ugnayan din ang CAAP sa mga airline at iba pang stakeholders upang masiguro ang maayos at ligtas na muling pagbubukas ng airport.

Pinapayuhan naman ang mga pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang airline para sa pinakabagong updates sa flight schedules, habang patuloy na mino-monitor ng mga awtoridad ang kondisyon ng imprastraktura sa lugar kasunod ng lindol.