-- ADVERTISEMENT --

Pansamantalang mawawalan ng operasyon ang ilang sangay ng Kadiwa ng Pangulo at mga bentahan ng P20 kada kilong bigas sa Nobyembre 16 hanggang 18, 2026, kasabay ng pagdaraos ng 49th ASEAN Summit sa Pilipinas.

Ayon sa pamunuan, bahagi ito ng mga hakbang sa seguridad, traffic management at pagpapanatili ng kaayusan sa mga lugar na maaapektuhan ng mga aktibidad ng summit.

Gayunman, may mga piling Kadiwa outlets na mananatiling bukas upang patuloy na makapagbigay ng abot-kayang produkto at bigas sa publiko sa kabila ng pansamantalang suspensyon ng ibang sangay.

Inaasahang magbabalik sa regular na operasyon ang lahat ng Kadiwa outlets matapos ang tatlong araw na international gathering.

Pinapayuhan ang mga mamimili na tiyakin muna ang iskedyul at lokasyon ng mga bukas na sangay bago magtungo upang maiwasan ang abala.