-- ADVERTISEMENT --

Nagpapatuloy ang kampanya ni Filipina tennis star Alex Eala sa Hong Kong Open matapos makuha ang panalo kontra Australian player na si Emerson Jones sa straight sets, 6-4, 6-3, nitong Martes ng gabi.

Naging mahalaga ang suporta ng mga Pilipinong dumagsa sa Center Court habang kontrolado ni Eala ang takbo ng laro. Maaga siyang nakalamang sa dalawang sets at napigilan ang tangkang paghabol ni Jones.

Bagama’t matagumpay na naitala ang panalo, pinuri rin ni Eala ang husay ng kanyang kalaban at nagpahayag ng kasiyahan sa ipinakita niyang laro.

Sa susunod na round, haharapin niya ang Czech player na si Tereza Valentova para sa puwesto sa quarterfinals.

Lalong naging kapansin-pansin ang magandang takbo ng karera ni Eala matapos niyang maabot ang pinakamataas na ranking sa kanyang career bilang World No. 17 sa WTA rankings nitong Lunes.