-- ADVERTISEMENT --

Nadagdagan ang mga lugar na apektado ng Ebola outbreak sa Democratic Republic of the Congo matapos makapagtala ng mga kaso sa probinsya ng North Ubangi, ayon sa mga awtoridad sa kalusugan.

Kinumpirma ng National Institute for Biomedical Research ang dalawang bagong kaso ng Ebola sa nasabing probinsya, kabilang ang isang nasawi.

Dahil dito, umabot na sa walo ang mga probinsyang naapektuhan ng outbreak. Kabilang sa mga ito ang North Kivu, Ituri, Haut-Uele, Tshopo, South Kivu, Bas-Uele, South Ubangi, at North Ubangi.

Samantala, ayon sa pinakahuling ulat, umabot sa 67 ang mga bagong kaso ng Ebola sa bansa, habang 27 katao ang nasawi sa loob lamang ng 24 na oras.