-- ADVERTISEMENT --

Inaasahan ng Commission on Elections (COMELEC) na aabot sa 3 milyon ang mga bagong botante na magpaparehistro sa muling pagbubukas ng voter registration sa Nobyembre.

Ayon kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, layunin ng poll body na madagdagan ang kabuuang bilang ng registered voters sa bansa sa tinatayang 74 milyon pagsapit ng 2028, mula sa kasalukuyang humigit-kumulang 71 milyon.

Bukod sa bagong registration, maaari ring magproseso ang mga botante ng transfer of registration, correction of entries, at reactivation ng deactivated voter records bilang bahagi ng patuloy na pag-update ng voters’ list.

Hinikayat din ng COMELEC ang mga kabataang 15 anyos na magparehistro upang makalahok sa Sangguniang Kabataan elections, alinsunod sa umiiral na voter registration rules.

Layunin ng poll body na magkaroon ng mas updated at kumpletong listahan ng mga botante bago ang mga susunod na halalan.