-- ADVERTISEMENT --

Nanatiling kumpiyansa ang Department of Justice (DOJ) na matutunton at maaaresto si Charlie “Atong” Ang, na nahaharap sa mga kasong may kaugnayan sa pagkawala ng mga sabungero.

Ayon kay Prosecutor General Richard Anthony Fadullon, patuloy ang koordinasyon ng DOJ sa Philippine National Police at iba pang law enforcement agencies para matukoy ang kinaroroonan ng akusado at maiharap siya sa hukuman.

Nahaharap si Ang sa mga kasong kidnapping with homicide at kidnapping with serious illegal detention kaugnay ng tinatawag na missing sabungeros case.

Samantala, sinabi ng DOJ na hindi maaapektuhan ang kaso kahit nabawasan ang mga pamilyang patuloy na nakikipag-ugnayan sa kagawaran. Sa kasalukuyan, isang pamilya na lamang umano ang regular na nakikipag-ugnayan sa DOJ hinggil sa isinampang reklamo.