-- ADVERTISEMENT --

Winasak ng Israel Defense Forces ang underground infrastructure ng Hezbollah sa Ali al-Taher ridge sa southern Lebanon, bilang bahagi ng hakbang nitong palakasin ang tinatawag na security zone sa lugar.

Ayon kina Prime Minister Benjamin Netanyahu at Defense Minister Israel Katz, mananatili ang Israeli forces sa rehiyon upang pigilan ang muling pagtatayo at pagpapalakas ng Hezbollah.

Sinabi ng Israeli military na nakontrol nito ang mahigit dalawang kilometro ng tunnels na umano’y pinaglalagyan ng rockets, missiles, drones at iba pang armas ng Badr unit ng Hezbollah.

Nagpatuloy ang operasyon sa kabila ng ceasefire agreement noong Hunyo, habang nananatiling hindi maresolba ang usapin sa pag-disarm sa Hezbollah. Tumanggi umano ang grupo na isuko ang mga armas, habang iginiit naman ng Israel na hindi ito aalis hangga’t hindi napipigilan ang kakayahang militar ng Hezbollah.

Mula noong 2023, nagtatayo ang Israel ng mga strategic positions sa southern Lebanon na sinasabi nitong magsisilbing buffer laban sa mga banta mula sa Hezbollah.