-- ADVERTISEMENT --

Malugod na tinanggap ni Atty. Michael Poa ang desisyon ng Senate impeachment court na pakinggan ang legal na pananaw ng apat na retiradong Supreme Court justices bilang Amici Curiae sa usapin ng voting threshold para sa conviction.

Ayon kay Poa, mahalagang marinig ang kanilang legal insights upang malinawan kung ilang boto ang kinakailangan para mahatulan ang isang impeachable official.

Maaari ring magsumite ng mga tanong ang prosecution at defense panels sa mga Amici Curiae sa pamamagitan ng presiding officer ng impeachment court.

Umaasa si Poa na makatutulong ang opinyon ng mga retiradong mahistrado sa paglutas sa constitutional issue bago tuluyang magpasya ang Senate impeachment court sa kinakailangang voting threshold.