-- ADVERTISEMENT --

Kinumpirma ng aktres na si Rita Daniela na nauwi sa hiwalayan ang relasyon nila ng kanyang nobyo na si Mclaude Guadaña, isang prized player ng Lyceum of the Philippines University (LPU) sa NCAA.

Ayon kay Rita, matagal na niyang pangarap ang magkaroon ng sariling pamilya at magpakasal. Dahil dito, umaasa siyang si Mclaude na sana ang makakasama niya hanggang sa altar.

Gayunman, sinabi ng aktres na ngayong papalapit na siya sa edad na 30 at isa na ring ina, mas naging maingat na siya sa kanyang mga desisyon. Aniya, ayaw na niyang gumawa ng anumang bagay na maaaring makasira sa kanyang pagkatao at reputasyon.

Binigyang-diin din ni Rita ang kahalagahan ng pagiging sigurado sa bawat hakbang at desisyong ginagawa niya, lalo na sa mga bagay na may malaking epekto sa kanyang buhay.