-- ADVERTISEMENT --

Aabot sa 27 Chinese vessels ang namonitor ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa ilang bahagi ng West Philippine Sea mula Setyembre 1 hanggang 7.

Ayon kay AFP spokesperson for the WPS Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, kabilang sa mga barkong namataan ang mga sasakyang-dagat ng Chinese Navy o PLAN at China Coast Guard (CCG).

Sa Ayungin Shoal, namonitor ang isang PLAN at apat na CCG vessels; apat na PLAN at 10 CCG vessels naman sa Bajo de Masinloc. Samantala, tatlong PLAN at tatlong CCG vessels ang nakita sa Escoda Shoal, habang dalawang CCG vessels ang namonitor malapit sa Pag-asa Islands.

Patuloy ang tensyon sa West Philippine Sea dahil sa malawak na territorial claims ng China sa South China Sea, kabilang ang mga lugar na inaangkin ng Pilipinas.