-- ADVERTISEMENT --

Opisyal nang itinuturing na person deprived of liberty (PDL) si dating House Speaker at Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez matapos personal na maihatid sa kanya ang warrant of arrest habang naka-confine sa Cardinal Santos Medical Center nitong Lunes ng gabi.

Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, tinanggap ni Romualdez ang warrant sa kanyang silid at isinailalim agad sa booking procedures at pagbasa ng kanyang mga karapatan sa loob mismo ng ospital.

Nauna siyang isinugod sa pagamutan matapos umanong makaranas ng cardiovascular event, pagtaas ng blood pressure at anxiety attack nang malaman ang kautusan ng Sandiganbayan.

Samantala, nananatili ang mga pulis sa paligid ng kanyang silid at ospital habang minomonitor ang kanyang kondisyon.

Kapag nabigyan na ng medical clearance, sinabi ng pamahalaan na ililipat si Romualdez sa Quezon City Jail sa Payatas upang doon ipagpatuloy ang kanyang pagkakakulong.