-- ADVERTISEMENT --

Isang panalo na lang ang kailangan ng Argentina upang mapanatili ang kanilang korona matapos nitong patumbahin ang England, 2-1, sa semifinals ng FIFA World Cup 2026.

Naungusan muna ang defending champions nang makuha ng England ang unang goal sa ikalawang kalahati ng laro sa Mercedes-Benz Stadium sa Atlanta, Georgia. Gayunman, hindi nagpatinag ang Argentina at nagsagawa ng matinding ratsada sa mga huling minuto ng laban.

Pinantayan ni Enzo Fernández ang iskor sa ika-85 minuto bago sinelyuhan ni Lautaro Martínez ang panalo sa stoppage time sa pamamagitan ng game-winning goal. Kapwa nagmula sa mga pasa ni Lionel Messi ang dalawang goal ng Argentina, kahit hindi siya nakapagtala ng sariling goal sa laban.

Sa kanilang comeback victory, umabante ang Argentina sa ikalawang sunod na World Cup final kung saan makakaharap nito ang Spain para sa kampeonato. Samantala, magtatapat naman ang England at France sa laban para sa ikatlong puwesto.