-- ADVERTISEMENT --

Nagkaroon ng tensyon sa Senado matapos tangkaing pasukin ng mga hindi pa nakikilalang armadong lalaki ang ikalawang palapag ng gusali nitong Martes ng gabi, ayon kay Interior Secretary Jonvic Remulla.

Dahil dito, napilitang magpaputok ng warning shots ang mga tauhan ng Senate Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) upang mapigilan ang pagpasok ng mga suspek. Ayon sa paunang impormasyon, naganap ang insidente bandang alas-7:46 ng gabi.

Matapos umano silang mapigilan, umatras ang mga armadong lalaki patungo sa likurang bahagi ng gusali bago nagpaputok ng baril sa ere. Patuloy namang inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan at bilang ng mga sangkot sa pamamagitan ng pagsusuri sa CCTV footage.

Nangyari ang insidente habang naka-lockdown ang Senado at nasa protective custody si Senador Ronald “Bato” dela Rosa. Lalong uminit umano ang sitwasyon matapos hindi pagbigyan ng Supreme Court of the Philippines ang hinihinging temporary restraining order kaugnay ng arrest warrant na inilabas ng International Criminal Court laban sa senador.