Inihayag ng Islamic Revolutionary Guard Corps (IRGC) ng Iran na bibigyan nila ng “complete freedom and authority” ang mga bansa sa Arab at Europe sa Strait of Hormuz kung ipapalayas ang mga ambassador ng Israel at U.S..
Ginawa ang pahayag kasunod ng komento ni U.S. President Donald Trump na malapit nang matapos ang labanan sa Gulf region, bunsod ng mga demonstrasyon kaugnay ng pagtatalaga sa bagong Supreme Leader ng Iran, Mojtaba Khamenei.
Ayon sa IRGC, hindi nila pahihintulutan ang pag-export ng langis mula sa rehiyon kung magpapatuloy ang mga military action ng Amerika at Israel. Binanggit pa ng grupo:
Itinuturing ang Strait of Hormuz bilang isa sa pinakamahalagang ruta ng langis sa mundo, na nag-uugnay sa pangunahing Gulf oil producers papunta sa Gulf of Oman at Arabian Sea.
Sa kabila ng tensyon, tumaas na sa $120 kada bariles ang presyo ng krudo dahil sa 10-araw na labanan sa pagitan ng U.S. at Israel laban sa Iran, na nagdulot ng pangamba sa pandaigdigang merkado ng enerhiya. Ang presyo ng Brent crude umabot sa $119.50 kada bariles, bagama’t bumaba sa humigit-kumulang $100 noong Martes.













