Mariing binatikos ng mga mambabatas ng Democratic Party ang naging hakbang ni U.S. President Donald Trump laban sa Iran noong Sabado, Pebrero 28.
Ayon kay Jack Reed, nangungunang Democrat sa Senate Armed Services Committee, inilagay umano ni Trump ang Estados Unidos sa bingit ng malawakang digmaan nang walang malinaw na batayan, pahintulot ng Kongreso, o konkretong plano kung paano ito tatapusin. Aniya, hindi pa rin batid ng publiko ang tunay na magiging gastos, panganib, at posibleng tagal ng naturang sigalot.
Nagpahayag din ng matinding pagtutol si Bernie Sanders, na nagsabing ang hakbang ng administrasyon ay ilegal, pinagplanuhan, at taliwas sa Konstitusyon. Iginiit niyang hindi umano ganap na ipinapaalam sa mga Amerikano ang posibleng epekto ng tensyon, na maaari pang magdulot ng mas malawak na kaguluhan.
Samantala, binatikos din ni Ruben Gallego si Trump dahil sa umano’y pagtalikod sa mga ipinangako nito noong kampanya—kabilang ang pagbawas ng military interventions at paglalabas ng mga dokumento kaugnay ng yumaong si Jeffrey Epstein. Sa isang pahayag, sinabi ni Gallego: “Trump ran on exposing the pedophiles and stopping wars. Trump is now protecting the pedophiles and starting wars.”
Nauna nang nanawagan si U.S. Senate Minority Leader Chuck Schumer Mariing binatikos ng mga mambabatas ng Democratic Party ang naging hakbang ni U.S. President Donald Trump laban sa Iran noong Sabado, Pebrero 28.













