-- ADVERTISEMENT --

Kasulukuyan ngayong tinututukan sa Senado ang pagsusulong ng Senate Bill No. 1625, o ang “West Philippines Sea (WPS) Education Act,” na naglalayong maging bahagi ng kurikulum sa basic at higher education ang pag-aaral tungkol sa mga teritoryo ng Pilipinas sa dagat.

Nanawagan si Senate Committee on Foreign Relations Chairman Erwin Tulfo sa kanyang mga kasamahan sa Senado na pabilisin ang pag-apruba sa nasabing panukala. Ayon sa kanya, marami pa rin sa mga Pilipino ang kulang sa tamang kaalaman tungkol sa West Philippine Sea at iba pang teritoryo ng bansa, kaya’t kinakailangan nang kumilos upang matiyak na ang mamamayan ay may wastong impormasyon tungkol sa sitwasyon sa WPS.

Sa ilalim ng panukala, isasama sa mga syllabi ng basic at higher education ang mga materyales na naaayon sa edad ng mga estudyante, kabilang dito ang mga internationally recognized facts, mga desisyon ng Korte Suprema, at iba pang batas na may kaugnayan sa WPS.