-- ADVERTISEMENT --

Nagbabala ang Department of Energy (DOE) na asahan ang malaking taas-presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Posibleng tumaas ng P2.50 hanggang P3 kada litro ang gasolina, P4.30 hanggang P4.80 kada litro ang diesel, at P4.25 hanggang P4.40 kada litro ang kerosene.

Ayon sa DOE, ang pagtaas ay dahil sa patuloy na mainit na tensyon sa pagitan ng Israel at Iran na maaaring makaapekto sa pandagat na ginagamit sa pandaigdigang transportasyon ng langis.

Patuloy namang mino-monitor ng ahensya ang sitwasyon sa pandaigdigang merkado at nananawagan ng pag-unawa mula sa publiko sa gitna ng posibleng oil price hike.