-- ADVERTISEMENT --
Huli ang isang lalaking umano’y Top 10 Regional Most Wanted Person matapos ang ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa Liliongan, Carmen, Cotabato, nito lamang Disyembre 19, 2024.
Sa pagtutulungan ng Carmen Municipal Police Station, 2nd Cotabato Provincial Mobile Force Company at Cotabato Police Provincial Office, nadakip ang suspek na kinilalang si alyas “Bernie”, 41-anyos, residente ng nasabing lugar.
Si alyas Bernie ay may kinakaharap na kasong 2 counts ng Rape sa Regional Trial Court, 12th Judicial Region, Branch 16, Kabacan, Cotabat na walang rekomendadong piyansa.
Samantala, kasalukuyang nasa kustodiya ng awtoridad ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.