-- ADVERTISEMENT --

KORONADAL CITY – Nahuli ng PNP ang dating miyembro ng MILF nag magsagawa ng buy-bust operation sa Purok New Passi, Brgy. Dukay, Esperanza Sultan Kudarat nito lamang Setyembre 11, 2024.

Kinilala ni Police Lieutenant Teody S Centina, Officer-In-Charge ng Eperanza Municipal Police Station ang suspek na si alyas “Mar”, 31-anyos, may asawa , magsasaka, dating miyembro ng MILF, isang High Value Individual at residente ng Purok III, Pened, Kabuntalan, Maguindanao Del Norte.

Ayon kay PLt. Centina, bandang 8:33 ng gabi ng ikinasa ang operasyon sa pakikipagtulungan ng Municipal Drug Enforcement Unit ng Esperanza MPS, RSOG 12, 2nd SKPMFC at PDEA.

Nasamsam mula sa suspek isang pitaka, mga I’D, tatlong pakete ng pinaghihinalaang shabu na may timbang na 4.5 gramo na nagkakahalaga ng Php 30,600.00 at Php500 bill bilang buy-bust money.

Kasong paglabag sa Sekyon 5 at 11 ng Article II RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” ang kakaharapin ng nahuling indibidwal.

Alinsunod sa programa ng pamahalaan na Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan sa pangunguna ng DILG katuwang ang iba’t ibang sangay ng gobyerno at lokal na pamahalaan ay tiniyak ng Carmen PNP na patuloy nilang isusulong ang programa para sa mabilisang pagsugpo ng iligal na droga sa komunidad.