-- ADVERTISEMENT --
Hindi bababa sa 37 katao ang nasawi matapos tamaan ng Russian drone strike ang isang bodega sa Kyiv, Ukraine, na naglalaman umano ng mga pampasabog.
Ayon kay Kyiv regional governor Tymur Tkachenko, patuloy ang search and rescue operations matapos ang malakas na pagsabog na narinig sa lugar. Tinatayang 50 residential buildings ang napinsala dahil sa pag-atake.
Dahil sa presensya ng mga pampasabog sa bodega, naging malawak ang pinsala sa paligid. Iniimbestigahan na rin ng mga awtoridad kung bakit nakaimbak ang naturang mga materyales malapit sa mga residential area.
Patuloy naman ang operasyon ng mga rescuers habang inaalam ang buong lawak ng pinsala at posibleng karagdagang mga biktima.













