-- ADVERTISEMENT --

Nagpapatuloy ngayon ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring pamamaril sa Labu-Labu, Shariff Aguak, Maguindanao del sur na ikinasawi ng dalawang katao at ikinasugat naman ng tatlong iba pa.

Kinilala ng Shariff Aguak PNP ang nasawi na sina alyas Hassen kasapi ng Barangay Police Action Team o BPAT at alyas Esmael, 20, anyos, may asawa at residente ng Labulabu Mother Shariff Aguak, MDS.

Habang ang mga sugatan naman ay kinilalang sina alyas Ali, 17 anyos, Anwar, 20 anyos at alyas Mohamad, 30 anyos na pawang mga residente ng nabanggit na lugar.

Lumabas sa imbestigasyon ng mga otoridad na nangyari ang pamamaril habang nakaduty ang mga BPAT sa kanilang outpost batay sa Shariff Aguak MPS.

Naka sakay umano sa motorsiklo ang mga gunman na bumaril sa mga biktima.

Sa ngayon, inaalam pa ang motibo ng krimen at ang pagkakakilan-lan ng mga suspek.