-- ADVERTISEMENT --

Ipinahayag ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang pagkakadawit ng dalawang Amerikanong kabilang sa 19 na nasawi sa naganap na engkuwentro sa Barangay Toboso, Negros Occidental.

Kinilala ang mga nasawing dayuhan bilang sina Lyle Prijoles at Kai Dana-Rene Sorem. Ayon sa task force, si Prijoles umano ay may ugnayan sa Anakbayan USA mula pa noong 2012 at kamakailan lamang dumating sa Pilipinas kasama si Sorem.

Dahil dito, nagpahayag ng pangamba ang NTF-ELCAC hinggil sa posibleng paglahok ng mga foreign nationals sa mga armadong kilusan sa loob ng bansa. Kasabay nito, nagpaabot din sila ng pakikiramay sa mga pamilya ng dalawang Amerikanong nasawi.

Sa naturang insidente, kabilang din sa mga namatay ang ilang indibidwal na inilarawan bilang mga student activist, mamamahayag, at mananaliksik, matapos ang sagupaan sa pagitan ng New People’s Army (NPA) at pwersa ng pamahalaan.