-- ADVERTISEMENT --

Opisyal nang sinimulan ni Raphael Perpetuo Mercado Lotilla ang kanyang tungkulin bilang bagong Ambassador ng Pilipinas sa Holy See matapos iharap ang kanyang credentials kay Pope Leo XIV sa Vatican noong Hulyo 1, 2026.

Kasunod ng paghahain ng kanyang opisyal na dokumento ng pagtatalaga, nagsagawa ng pormal na pagpupulong sina Pope Leo XIV at Lotilla.

Bago italaga bilang embahador, nagsilbi si Lotilla bilang kalihim ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). Naging kalihim din siya ng Department of Energy sa ilalim ng dalawang magkaibang administrasyon.

Si Lotilla ay nagtapos ng Psychology, History, at Law sa University of the Philippines Diliman at kumuha ng Master of Laws sa University of Michigan sa Estados Unidos.