-- ADVERTISEMENT --

Patuloy na binabantayan ng Philippine Navy ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal, hindi lang upang igiit ang soberanya ng Pilipinas kundi upang protektahan ang mga sundalo at kanilang pamilya laban sa tangkang paggamit ng impormasyon ng mga dayuhang espiya.

Ayon kay Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, sinasamantala ng mga dayuhang handler ang mga contact sa Pilipinas upang makuha ang personal na detalye ng mga sundalo, posibleng gamitin ito laban sa kanila. Tatlong Pilipino na rin ang nahuli dahil sa pagbibigay ng sensitibong impormasyon, kabilang ang posisyon ng gobyerno at plano sa depensa.

Ang maliit na contingent ng Philippine Navy sa barko, na isinadsad noong 1999, ay patuloy na nagsisilbing unang linya ng depensa at proteksyon, pinapakita ang kahandaan ng bansa sa mga banta sa West Philippine Sea.