-- ADVERTISEMENT --

“Wait and see.” Ito ang naging maikling tugon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang hingan ng reaksiyon kaugnay ng kumakalat na ulat tungkol sa umano’y posibleng pagpapalit ng liderato sa Senado.

Umiinit ang usapin matapos kumalat ang espekulasyon ng panibagong “realignment” o kahit umano’y “Senate coup,” kung saan lumulutang ang pangalan ng ilang senador bilang posibleng susunod na lider—kabilang sina Sen. Kiko Pangilinan, Joel Villanueva, Migz Zubiri, at Chiz Escudero.

Ayon sa Pangulo, alam niya ang mga naganap sa Senado noong nakaraang linggo, kabilang ang pag-upo ni Senate President Alan Peter Cayetano matapos ang mga pagbabago sa hanay ng liderato at committee structure. Gayunman, hindi siya nagbigay ng direktang opinyon sa isyu, at piniling manatiling maingat sa kanyang pahayag.

Samantala, nilinaw ng Malacañang na hindi nila hinuhusgahan ang mga senador na kasalukuyang nagsisilbing senator-judges sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte. Giit ng Palasyo, nasa kamay ng Senado ang magiging takbo at kahihinatnan ng pagdinig.

Paalala pa ng administrasyon, ang mga senador ay inihalal ng taumbayan upang magsilbi sa interes ng publiko—hindi para sa iisang indibidwal o pansariling agenda.