Naniniwala si Pusong Pinoy Party-list Representative Jett Nisay na hindi na “fit” na mamuno sa bansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at nanindigan siyang sufficient in substance ang impeachment complaint na inihain laban sa Pangulo.
Ayon kay Nisay, kabilang sa mga alegasyon laban kay Marcos Jr. ang culpable violation of the Constitution, betrayal of public trust, at graft and corruption.
Nakasaad sa reklamo na nilabag umano ng administrasyon ang Konstitusyon sa pamamagitan ng pag-bypass sa justice system, partikular sa pakikipag-ugnayan sa International Criminal Court (ICC). Binanggit din sa reklamo ang umano’y pagkakadawit ng Pangulo sa pagdadala kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ICC, na tinuturing ng mga nagrereklamo bilang isang anyo ng kidnapping at paglabag sa soberanya at karapatan sa due process.
Dagdag pa ng mga complainants, mahalaga rin ang Naniniwala si Pusong Pinoy Party-list Representative Jett Nisay na hindi na “fit” na mamuno sa bansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at nanindigan siyang sufficient in substance ang impeachment complaint na inihain laban sa Pangulo.












