-- ADVERTISEMENT --

Patuloy na nangingibabaw ang National Capital Region (NCR) sa medal tally ng Palarong Pambansa 2026 matapos makalikom ng 85 gintong medalya, 68 pilak, at 69 tanso, para sa kabuuang 222 medalya hanggang alas-6 ng gabi ng Mayo 30.

Malayo ang agwat ng NCR sa pumapangalawang CALABARZON (Region IV-A) na may kabuuang 157 medalya, kabilang ang 54 ginto, 47 pilak, at 56 tanso.

Nasa ikatlong puwesto naman ang Davao Region (Region XI) na nakapagtala ng 31 ginto, 29 pilak, at 32 tanso para sa kabuuang 92 medalya.

Pasok din sa Top 5 ang Western Visayas (Region VI) na may 105 medalya at Central Visayas (Region VII) na may 97 medalya, habang nasa ikaanim na puwesto ang Caraga Region (Region XIII) na may 71 medalya.

Samantala, patuloy ding nagpapakita ng lakas ang Central Luzon (Region III) na mayroon nang 87 medalya sa nagpapatuloy na kompetisyon.

Sa kabuuan, 20 delegasyon ang nakapagtala na ng medalya sa taunang palaro. May apat na medalya naman ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), habang naghihintay pa rin ng unang medalya ang Association of Philippine Schools Overseas (APSO).

Batay ito sa partial at unofficial medal tally na inilabas hanggang alas-6 ng gabi ng Mayo 30, 2026.