-- ADVERTISEMENT --

Isang makasaysayang milestone ang nakamit ni Lea Salonga matapos niyang maging unang Filipina na nagkaroon ng sariling star sa Hollywood Walk of Fame.

Isinagawa ang unveiling ceremony sa 6225 Hollywood Boulevard matapos siyang mapabilang sa 2026 class of honorees. Siya na rin ang ika-2,855 na recipient ng prestihiyosong pagkilala.

Dumalo sa seremonya ang ilang kilalang personalidad, kabilang sina Ming-Na Wen, Brandy, Darren Criss at H.E.R., kasama ang mga tagahanga na sumuporta sa kanyang makulay na career.

Ibinahagi ni Salonga ang kanyang saya at hindi makapaniwalang pakiramdam, lalo na’t dati ay naglalakad lamang siya sa Hollywood Boulevard at tinitingnan ang mga pangalan ng mga artistang may sariling bituin.

Nagpasalamat naman ang singer-actress sa kanyang mga tagahanga at sa mga Pilipino sa buong mundo na patuloy na nagtitiwala at sumusuporta sa kanyang talento.