-- ADVERTISEMENT --

Inutusan ng International Criminal Court (ICC) Trial Chamber III ang pagsasagawa ng panibagong komprehensibong medical examination kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Layunin nitong matukoy kung kaya pa niyang dumalo at tumayo sa pagdinig na nakatakda sa Nobyembre 30.

Sa desisyong inilabas noong Hunyo 12, muling pinagana ng korte ang multidisciplinary medical panel na magsasagawa ng pagsusuri sa kalagayang pangkalusugan ng dating pangulo sa ilalim ng pre-trial phase.

Ang hakbang ay kasunod ng hiling ng defense team noong Mayo 25, kung saan kinuwestyon nila ang naunang pasya ng korte na itinuturing na fit si Duterte para humarap sa paglilitis.

Si Duterte ay nahaharap sa kasong krimen laban sa sangkatauhan kaugnay ng madugong kampanya kontra ilegal na droga noong kanyang administrasyon.