-- ADVERTISEMENT --
Hindi namataan ang buwan sa isinagawang moon sighting kaya’t sa Huwebes, Pebrero 19, 2026 pa magsisimula ang banal na buwan ng Ramadan.
Ayon sa Office of the Darul Ifta, walang naitalang aktuwal na pagkakita sa crescent moon sa isinagawang pagmamasid, kabilang ang monitoring sa Timako, Cotabato City.
Dahil dito, itinakda ang pagsisimula ng Ramadan sa Huwebes, Pebrero 19, 2026, alinsunod sa Islamic tradition na kinakailangang aktuwal na mamataan ang bagong buwan bago ideklara ang umpisa ng pag-aayuno.
Ang unang araw ng puasa o fasting para sa mga Muslim ay sa parehong araw, bilang bahagi ng banal na buwan ng pagninilay, panalangin at pagsasakripisyo.













