Isusulong ng League of Provinces of the Philippines ang mas matibay na alignment ng mga proyekto at programa ng national at local government, kasunod ng muling paghalal kay South Cotabato Governor Reynaldo S. Tamayo Jr. bilang presidente ng liga.
Sa isang pahayag sa kanyang official social media account, iginiit ni Governor Tamayo na mahalagang magsilbing tulay ang mga gobernador upang maipatupad nang maayos ang mga inisyatibo ng pambansang pamahalaan sa mga lalawigan.
Aminado si Tamayo na mabigat ang obligasyon ng kanyang posisyon, pero mas pinili niyang tanggapin ito para maibahagi at maireplika ang mga epektibong programa ng bawat probinsya gaya ng sa edukasyon, kalusugan, at iba pa—upang mapataas ang kalidad ng pamamahala sa buong bansa.
Tiniyak naman ng gobernador na mananatiling maayos ang kanyang serbisyo sa South Cotabato, sa kabila ng panibagong lideratong ginagampanan bilang pinuno ng lahat ng gobernador sa Pilipinas.