-- ADVERTISEMENT --
Inaasahang bahagyang bababa ang presyo ng mga airline ticket sa huling bahagi ng Agosto 2026 matapos ianunsyo ng Civil Aeronautics Board (CAB) ang pagbaba ng fuel surcharge sa Level 12 simula Agosto 16 hanggang 31.
Dahil dito, posibleng mas mura ang pamasahe para sa mga flight na ibobook sa ikalawang kalahati ng buwan.
Para sa domestic flights, nasa P389 hanggang P1,137 ang maaaring ipataw na fuel surcharge, habang P1,284.40 hanggang P9,550.13 naman para sa international flights, depende sa ruta at iba pang kondisyon ng biyahe.













