Ipinakita ni Elisse Joson na nananatiling prayoridad niya at ni McCoy de Leon ang kapakanan ng kanilang anak na si Felize, sa kabila ng kanilang hiwalayan.
Sa kabila ng pagtatapos ng kanilang relasyon, sinabi ni Elisse na maayos ang kanilang co-parenting arrangement ni McCoy. Sinisikap umano nilang magtulungan sa pagpapalaki kay Felize, na limang taong gulang na, at tiyaking natutugunan ang lahat ng pangangailangan nito.
Binigyang-diin din ng aktres na hindi niya kailanman binibitawan ang respeto sa ama ng kanyang anak. Aniya, hindi siya nagsasalita ng hindi maganda tungkol kay McCoy.
Masaya rin si Elisse na nananatiling malapit at matatag ang samahan nina McCoy at Felize. Para sa aktres, mahalagang mapanatili ang magandang relasyon ng mag-ama.
Dagdag pa niya, sinisiguro nilang hindi nadadamay si Felize sa anumang personal na isyu o hindi pagkakaunawaan sa pagitan nilang dalawa.








