-- ADVERTISEMENT --

Napilitang mag-divert sa Tabuk, Saudi Arabia ang FlyDubai Flight 1073 na biyaheng Dubai-Israel matapos umanong saksakin ng isang piloto ang kanyang kapwa piloto at tangkaing agawin ang kontrol sa eroplano.

Ayon kay Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu, napigilan ng ilang pasahero at crew ang suspek at naibalik ang kontrol sa ibang flight crew. Kinumpirma ng FlyDubai ang naganap na “altercation” sa cockpit.

Ligtas na nakapag-landing ang eroplano at walang pasaherong nasugatan. Gayunman, nasugatan ang isang piloto at dalawang crew member ang dinala sa ospital.

Batay sa flight-tracking data, nagpadala ng emergency alert ang eroplano at bumaba ng mahigit 17,000 talampakan sa loob ng dalawang minuto bago mag-divert sa Saudi Arabia.

Naaresto ang suspek at iniimbestigahan ng Saudi authorities. Sinabi ng FlyDubai na hindi pa malinaw ang motibo sa insidente habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.