Nagbigay ng interjection si Senator-Judge Erwin Tulfo kaugnay sa usapin ng timeliness ng mosyon tungkol sa 16-voting threshold sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Sa oral arguments, binigyang-diin ni Tulfo na nagbago na umano ang mga kondisyon na maaaring makaapekto sa aplikasyon ng constitutional provision tungkol sa voting threshold, taliwas sa argumento ng depensa na walang sapat na pagbabago para muling buksan ang naturang usapin.
Una nang kinuwestiyon ni Tulfo kung dapat pa ring gamitin ang 16 boto bilang threshold para sa conviction, lalo na’t may mga senador na hindi nakikilahok sa impeachment trial dahil sa iba’t ibang dahilan. Ang kanyang manifestation ang naging batayan para muling talakayin ng impeachment court ang interpretasyon sa pariralang “two-thirds of all the Members of the Senate.”
Sa kanyang argumento, binanggit ni Tulfo ang posibilidad na hindi na lubusang tumutugma sa kasalukuyang sitwasyon ang orihinal na aplikasyon ng probisyon, lalo na’t may mga senador ngayon na hindi makadalo sa paglilitis, kabilang ang mga nasa kustodiya o nahaharap sa iba pang legal na sitwasyon.
Gayunman, hindi nagbanggit si Tulfo ng pangalan ng sinumang senador sa kanyang manifestation kaugnay sa puntong ito.
Sa kasalukuyan, nananatiling 16 boto ang itinakdang threshold batay sa naunang ruling ni Senate President at impeachment court presiding officer Francis “Chiz” Escudero, habang nakatakdang magpasya ang mga senator-judge sa isyu matapos ang oral arguments.













