-- ADVERTISEMENT --
Nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang sampung menor de edad na na-trap sa mga offshore tripod sa karagatan ng San Antonio Beach, Barangay Leon Garcia, Davao City madaling araw ng Sabado, Hulyo 5.
Ayon sa Coast Guard District Southeastern Mindanao (CGDSEM), lumangoy patungo sa malayong bahagi ng dagat ang mga menor de edad matapos umanong takasan ang mga barangay tanod nang mahuli silang gumagamit ng inhalant o “rugby.”
Agad silang isinagawa ng rescue operations ng PCG at ligtas na naiahon mula sa dagat. Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.













