-- ADVERTISEMENT --

KORONADAL CITY – Umakyat na sa 19 ang bilang ng mga nasawi sanhi ng magnitude 7.8 na lindol na yumanig sa lalawigan ng Sarangani noong Lunes ng umaga, ayon sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa kanilang natanggap na datos mula sa ibat-ibang Local Government Unit nitong alas-4 ng hapon, sinabi ng NDRRMC na sa 19 na namatay, 16 sa mga ito ay mula sa SOCCSKSARGEN o Region XII habang tatlo naman ang mula sa Davao Region o Region XI.

Sa 16 na nasawi sa SOCCSKSARGEN, sampu ang mula sa General Santos City, tatlo sa Glan, dalawa sa Tupi, South Cotabato, at isa sa Malapatan.

Samantala, naging sanhi rin ang malakas na lindol ng pagkasugat ng 147 katao — 142 sa mga ito ay mula sa SOCCSKSARGEN at lima naman mula sa Davao Region.

Bukod dito, nagtala rin ang ahensya ng tatlong taong nawawala sa General Santos City matapos ang nasabing lindol.