Nagbabala si Vladimir Putin ng posibleng pagganti matapos umano’y tamaan ng airstrike ng Ukraine ang isang dormitoryo sa Starobilsk.
Ayon sa mga ulat, nasa 18 katao ang nasawi habang 42 iba pa ang nasugatan sa naturang pag-atake sa rehiyon ng Luhansk.
Iginiit naman ng military ng Ukraine na lehitimong military target ang kanilang tinamaan, partikular umano ang Rubicon drone military unit na matatagpuan sa Starobilsk.
Gayunman, sinabi ni Putin na walang military facilities sa lugar na pinuntirya ng airstrike at iginiit na sibilyan umano ang naapektuhan ng pag-atake.
Kasunod nito, iniutos umano ng Russian leader sa kaniyang militar na maghanda para sa posibleng retaliation laban sa Ukraine habang tumitindi ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.













