Itinanggi ni Iranian Foreign Minister Abbas Araghchi na humiling ang Iran ng ceasefire mula sa Estados Unidos.
Ayon sa kaniya, hindi rin kailanman naghangyo ang Iran ng anumang negosasyon kasunod ng mga pag-atake ng Israel at US. Wala raw silang nakikitang dahilan upang makipag-usap sa Estados Unidos, lalo na’t habang may isinasagawang pag-uusap, ang US umano ang nagpasya na atakihin sila.
Giit ni Araghchi, handa ang Iran na ipagtanggol ang sarili laban sa giyerang pinili ni US President Donald Trump.
Gayunpaman, bukas ang Iran sa pakikipag-ugnayan sa ibang bansa upang matiyak ang ligtas na pagdaan sa Strait of Hormuz. May ilang bansa rin umano na lumapit sa Tehran upang siguraduhin na ligtas ang kanilang mga barko mula sa anumang banta.
Nanindigan din ang Iran na wala na silang balak na buhayin muli ang kanilang nuclear program.












