Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan sa loob ng Permanent Danger Zone (PDZ) ng Kanlaon Volcano na magsagawa ng agarang paglikas matapos ang pagsabog ng bulkan sa Negros Island
Dapat manatiling walang tao sa loob ng PDZ at mananatiling nasa heightened alert ang mga naninirahan sa loob ng anim na kilometro.
Inutos din sa lokal na pamahalaan na palakasin ang monitoring sa lava at pagbaha, at ipagpatuloy ang risk communication sa mga malalayong barangay
Naganap ang moderately explosive eruption ng Kanlaon na tumagal ng dalawang minuto at nagbuga ng plume na umabot hanggang 2,000 metro.
Nanatili ang Alert Level 2 at mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa apat na kilometro na radius.
Inatasan din ang agarang pagtawag ng disaster councils, pag-activate ng emergency operations, at pag-validate ng mga evacuation center at prepositioning ng mga relief supplies.
Kasama nito, pinaaalalahanan ng DILG at Department of Health ang pagsunod sa mga health precautions laban sa ashfall, lalo na para sa mga bata, matatanda, buntis, at may mga pre-existing conditions.













