-- ADVERTISEMENT --

KORONADAL CITY atuloy na pinaghahanap sa ngayon ang presong nakatakas mula sa South Cotabato Rehabilitation and Detention Center o Provincial Jail noong Sabado, Setyembre 13, 2025.

Kinilala ang pugante na si Jayrald P. Plana, 38-anyos, residente ng Purok Reyes, Barangay El Nonok, Banga, South Cotabato. Naaresto siya noong Hunyo 2025 dahil sa kasong murder.

Ayon kay Governor Reynaldo S. Tamayo, Jr., sisibakin sa trabaho ang mga job order (JO) jail guard na naka-duty nang maganap ang pagtakas. Bukod dito, ililipat naman sa ibang bayan o malayong lugar ang mga regional jail guard upang maiwasan ang posibleng sabwatan.

Lumabas sa imbestigasyon na iniwang nakabukas ang padlock at posibleng may nagbigay pa ng susi sa bilanggo—isang bagay na tinawag ng gobernador na “unacceptable” o hindi katanggap-tanggap.